Credit Canada – Credit Counselling Services and Debt Management Solutions

Free Debt Consultation Call 1-800-267-2272

Languages Served

Nakakaranas ba ng problemang pampinansyal?

 

Nakakaranas ba ng problemang pampinansyal? Hindi alam kung saan at kanino hihingi ng tulong? Huwag mabahala dahil ang Credit Canada ang sagot sa inyong problema. Ang Credit Canada ay bukas sa lahat na nangangailangan ng payo at tulong kung papaano hawakan at ayusin ang inyong mga pera , at kung papano mababawasan at mababayaran ang inyong pagkakautang.

Ang layunin ng aming organisayon ay tulungan ang sinumang nakakaranas ng problemang pampinansyal, sa pamamagitan ng pagbibigay payo at pangangaral kung papaano lulutasin at sosolusyonan ang mga ito.

Kung kayo ay nagkakaproblema sa pagbabayad ng inyong mga ‘credit cards’, ‘payday loans’, ‘lines of credit’ or ‘student loan’, matutulungan namin kayo. May mga naatasan kaming ‘Tagapayo/Counsellor’ na personal na tutulong sa inyo. Habang isinasagawa ang panayam, masuri namang aaralin ng naatasang ‘Tagapayo’ ang inyong mga record. Sinusuri nitong mabuti ang mga paraang dapat isagawa at hindi dapat isagawa sa mga pagkakataong nagkakaproblema ng pampinansyal. Tuturuan din kayo kung papaano gamitin ng wasto ang inyong pera o magbudget para maabot ang inyong layuning pinansyal.

Matutulungan din namin kayong mapatigil ang mga tawag na inyong natatanggap galing sa inyong mga pinagkakautangan at gawing buwanan na lang ang pagbabayad sa kanila, sa pamamagitan ng Debt Management Program (DMP). Kami din ang makikipag-ayos sa kanila kung papaano mapapadali at hindi kayo nahihirapang magbayad sa kanila, gaya ng pagpapababa sa interest ng inyong utang o ayusin ang pamamaraan ng pagbabayad nito.

Sa pamamagitan ng Debt Management Program, matututunan ninyo ang tama at epektibong proseso ng paggamit ng inyong pera. Ang Credit Canada ay isang non profit, charitable Organization mula noong 1966. Kami ay handang tumulong sa inyo anumang oras.

 

Canadian Association of Credit Counselling Services Better Business Bureau Consumer Choice Award

Contact Us

Credit Canada Debt Solutions
45 Sheppard Avenue East
Suite 810
Toronto, Ontario M2N 5W9
416-228-DEBT (3328)
Toll Free 1-800-267-2272
Fax 416-228-1164

For Map Locations

For Media Relations

Media 416-228-2526